Dagupan City – Nagpapatuloy ang adbokasiya para sa kahandaan ng kabataan sa sakuna sa pamamagitan ng Outreach Program na inilunsad ng pamahalaang panlalawigan.

Sa tuloy-tuloy na Information Education Campaign (IEC), patuloy na sinisikap ng PDRRMO na magbigay ng tamang kaalaman at kasanayan sa mga estudyante upang maging handa sa anumang sakuna.

Aktibong nakilahok ang mga dumalo sa Bantay Kalusugan Outreach Program na pinangunahan ng Pangasinan Provincial Jail (PPJ) sa bayan ng Lingayen.

--Ads--

Kasama sa programa ang Health & Wellness Club ng probinsya na nagbigay ng libreng gupit sa mga estudyante na nagpakita ng malasakit sa kalusugan at kapakanan ng mga kabataan.

Sa pagkakataong ito, namahagi rin ng IEC materials at itinuro ang kahalagahan ng tamang pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold, isang simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili sa oras ng lindol.