Aabot sa halos dalawampung milyong piso ang inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na karagdagang pondo para sa isinasagawa ngayong Region 1 Athletic Association Meet 2023 sa probinsya.
Ayon kay Vice Gov. Mark Lambino na ang naturang halaga ay mas mataas pa sa inasahang pondo ng school funding board dahil aniya batid nila ang pangangailangang makapagbigay ng suporta sa bawat mga atletang kalahok sa naturang patimpalak.
Aniya na bukod sa host ng naturang R1AA na San carlos City ay kaagapay ang lungsod ng Dagupan at bayan ng Lingayen sa pagsasagawa ng mga iba’t ibang mga laro upang matiyak na magiging matagumpay ang kompetisyon.
Dagdag nito na malaking bagay ang mga kahalintulad na mga aktibidad sa mga estudyante hindi lamang sa paglinang sa mga pisikal na kakayahan nila bagkos ay sa pamamagitan din nito mas mapagiibayo pa ang kanilang personal at emosyonal na katangian dahil sa pakikisalamuha sa kapwa nila mga atleta.
Kanila rin aniyang hinihikayat ang bawat mga kabataan na mabigyang pagkilalala ang kanilang mga coaches, guro at iba pang mga taong sumusuporta sa kanila sa gitna ng mga larong kanilang sinasalihan.