BOMBO DAGUPAN – Ipinagmalaki ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga natatanging proyekto at programa sa loob lamang ng higit 2 taon na panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Provincial Administrator Melicio ‘Ely’ Patague II ng Pangasinan, prayoridad ng administrasyon ni Governor Ramon ‘Monmon” Guico III ang sektor sa kalusugan, education, agrikultura, turismo, paggawa at imprastraktura.
Isa sa natatanging proyekto ay ang pagkakaroon ng sariling kolehiyo na Pangasinan Polytechnic College na may 700 enrolled students at magtatatag pa ng College of Medicine sa hinaharap.
Ang pagkakaroon ng Pangasinan Link Expressway o PLEX na pinakamalaking infrastructure project na inaasahang magpapabilis sa biyahe mula Easter to Western Pangasinan.
Sa health services, sinabi ni Pataque na sa layuning mas mapabuti pa ang serbisyo ay plano ng pamahalaan na magpatayo ng mga modernong mga hospital, bumili ng mga health equipments at dagdag na manpower sa pamamagitan ng pagkuha ng mga doktor upang matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng mga mamamayan.
Dagdag pa nito, tuloy tuloy din ang pamamahagi ng financial support, medical assistance sa pamamagitan ng Guiconsulta at employment assistance.
At sa larangan ng agrikultura, maituturing na matagumpay ang corporate farming ng probinsya dahil napataas ang local na produksyon ng mga magsasaka at gayundin ang ugnayan ng provincial government at mga magsasaka.
Nabawi na rin ang pamamahala ng asin sa brgy Zaragosa sa bayan ng Bolinao na lumikha ng trabaho at nangunguna ang lalawigan sa industriya ng asin sa bansa.