Positibo ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pagtugon sa usapin sa boundary dispute sa brgy Malico sa pagitan ng probinsya at ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino na maayos ang nagiging usapin sa pagmamamy-ari sa naturang nayon kung saan ay nakaplano na aniya ang pagsasagawa ng town session sa Brgy. Malico.
Pagsasaad nito na binubuo na ngayon ang mga hakbangin upang maging sentro ito ng turismo ng lalawigan lalo na’t may maganda itong klima na mas malamig pa sa syudad ng baguio.
Malaking bagay din aniya na maayos na ang kalsada patungo rito na Villa Verde Road kung kaya naman ay pagtutuunan na lamang ng pansin ay kung papaano malilinang ang lugar na siyang dadayuhin ng mga turista.
Dagdag pa nito na kanila na ring tutukan ang paglilinang sa industriya ng ikaanim na distrito ng probinsya na siyang mga lugar na patungo sa Brgy. Malico.
Tiniyak din nito na ang bawat mga proyektong kanilang binubuo ay pawang makakatulong sa lahat ng mga Pangasinense.