Dagupan City – Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, umabot na sa 7,000 ang mga Kawani; Provincial Administrator, Nanawagan ng Masusing Pagsusuri sa mga Empleyado
Umabot na sa humigit-kumulang 7,000 ang bilang ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Administrator Melicio Patague II, ito ay magandang balita na sumasalamin sa pagbuti ng serbisyo publiko sa lalawigan.
Ang pagtaas ng bilang ng mga kawani ay indikasyon ng pag-unlad ng mga serbisyo sa Kapitolyo.
Gayunman, binigyang-diin niya na mahalagang maging mas mapanuri at maingat sa pagpili ng mga empleyado upang mapanatili ang “good housekeeping policy” ng pamahalaan.
Dagdag pa niya, maraming aplikante ang mas kwalipikado at dapat bigyang-pansin.
Kaugnay nito sinabi ni Patague na ang provincial government ay isang political organization din, kaya nararapat lamang na tiyakin na ang mga empleyado ay tunay na karapat-dapat sa kanilang mga posisyon.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapanatili ng mataas na antas ng propesyonalismo at integridad sa hanay ng mga kawani upang mapaglingkuran nang maayos ang mamamayan ng lalawigan.