Mas sinisiguro ngayon ng pamahalaan ng United Kingdom ang kaligtasan at proteksiyong kanilang medical frontliners bunsod ng bagong variant ng COVID-19 na nadiskubre sa kanilang bansa.
Sa ulat sa Bombo Radyo Dagupan ni Bombo International Correspondent Anj Gabriel mula sa West Midlands, United Kingdom, tinitiyak umano ng kanilang gobyerno ang pagkakaroon nila ng Personal Protective Equipments (PPEs), gayundin ang pagsisigurong mayroon silang sapat na hand hygiene resources at ang kanilang regular na weekly swabbing.
Ani Gabriel, bagaman mas mahirap ang sitwasyon ngayon sa kanilang lugar ay mayroon naman silang occupational help nurse na siyang nakaantabay na makikinig tungkol sa kanilang stressors na posibleng dahil sa pagka-overwhelm sa bigat ng kanilang mga trabaho sa pagamutan.
Dagdag din nito na sila ay maaari ring off sick sa trabaho kung gayon nga ang nararanasan nilang sitwasyon.