Muling kinalampag ang pamahalaan ng grupong Bantay Bigas upang mapababa ang presyo ng mga bilihin lalong lalo na ang bigas.
Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas , batay sa kanilang pagtatanong sa mga retailers, nasa P50 kada sako ang itinaas na ng bigas ngayon at ang dahilan ay pagtaas umano ng farm gate price at kakaunti na ang stock ng local na bigas.
Giit ni Estavillo na matagal na itong problema sa bansa pero hindi natutugunan ng nagdaang gobyerno.
Malaking hamon aniya kay pangulong Ferdinand “Bong Bong Marcos” Jr. at bilang DA secretary na dapat na unang laman ng kanyang state of the nation address ang pagtugon sa problema at pagbibigay ng halaga sa industriya ng agrikultura.
Binigyang diin ni Estavillo na malaking delubyo ang impack sa mga magsasaka at mga consumer ang rice liberalization law .
Sa ilalim aniya ng nasabing batas ay tinatalian ang gobyerno na mangialam sa presyuhan ng bigas at palay.
Dagdag pa niya na tuparin ni pangulong Marcos ang pangakong mapababa ang presyo ng bigas.
Kaya maraming bumuto sa kanya dahil umano sa pangako nooong siya ay nangangampanya na P20 kada kilo ng bigas kaya kailangan na may malinaw na siyang plano kung paano maipatupad ang nasabing pangako.