Dagupan City – Nanindigan ang Ibon Foundation na hangga’t hindi tinatanggap ng Pamahalaan ang pangunahing suliranin sa bansa ay mananatiling hindi rin ito masosolusyunan.

Ayon kay Sony Africa, Executive Director ng Ibon Foundation, kinakailangan nang tutukan ng pamahalaan ang kakayahang bumili ng pagkain ng mga Pilipino.

Ito’y matapos na manguna ang Pilipinas sa Southeast Asia na may kakulangan ng suplay ng pagkain. Kung saan, mula sa 11 bansa sa Southeast Asia ay nangunguna ang Pilipinas pagdating sa food insecurity. Dito rin lumabas sa datos na 50.9Milyon o 44.7% na mga Pilipino ang nakararanas ng moderately hanggang severely food insecure, malayo sa datos kung ikukumpara sa bansang Indonesia na pumapangatlo at nakapagtala ng 13.4Milyon food insecurity o 4.5% lamang kahit pa isa sila sa may mataas na populasyon kung ikukumpara sa bansa.

--Ads--

Bagama’t kilala naman aniya ang Pilipinas na may pinakamurang pagkain para sa basic diet, ngunit bakit tila ang bansa pa rin ang nanatiling isa sa pinakamahirap na bansa at may malaking bilang ng naitatalang kagutuman.

Muli namang binigyang diin ni Africa na hindi ang mga manggagawang Pilipino ang problema sa bansa, at malayo ang dahilan ng pamahalaan na hindi “fit to work” ang iba kaya hindi natatanggap sa trabaho.

Dahil kung titignan aniya, maraming manggagawang Pilipino ang pinipiling mangibang bansa para lamang may maipakain sa kanilang pamilya, at makaroon ng sapat na kita.