Dagupan City – Kinakailangang palakasin ng Pamahalaan ang Maritime Defense Security para sa kapakanan ng bansa.

Ito ang naging sintimiyento ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa umano’y nagpapatuloy na ginagawang pangahaharass ng China Coast Guard sa West Philippine Sea.

Aniya, harap-harapang binastos ng China ang Philippine Coast Guard sa mismong teritoryo nito, kung saan ay sumampa sila sa barko ng bansa, kinuha pa ang armas ng mga sundalo at sinira pa ang kanilang mga barko.

--Ads--

Ayon kay Yusincgo, isa itong uri ng paglabag sa international law, piracy, at violation of domestic law.

Ngunit sa nangyayari ngayon, kahit pa anong paglabag ang ginagawa nila ya wala silang takot na harasin pa ang ating bansa. Kung kaya’t isa sa nakikitang solusyon nito ay ang pagpapalakas sa Maritime Defense Forces ng Pilipinas at ang pagpapalawak pa ng sektor.

Lumalabas kasi aniya na mukhang hindi natatakot ang China sa Pilipinas dahil na rin sa bilang at kagamitan kung ikukumpara sa kanila.

Ang naging katanungan na lamang ni Yusingco ay kung bakit Pilipinas lamang ang kanilang sinisindak at hindi ito magawa sa ibang bansa gaya na lamang ng Vietnam, Taiwan, at iba pa.