Isasagawa bukas ang tinatawag na palm sunday o ang linggo ng palaspas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay REV. Edgar Bangad Senior Pastor, UHCA-Glorious Life in Christ Fellowship ito ang unang linngo na papasok ang tinatawag na holyweek at ang oras kung saan babalik si Hesus sa Jerusalem.

Aniya na dito ay haharapin ni Hesus ang itinakda at ipapako ito sa krus upang pagbayaran ang kasalanan ng sanlibutan.

--Ads--

At alam ng mga tao na siya ang ipinadala upang iligtas ang mundo.

Dito din magsisimula ang mga serye ng pangyayari sa buhay ni Hesus bago siya ipako sa krus.

Bagama’t ay may mga isyung politikal sa Jerusalem si Hesus ay dumating hindi upang sila ay iligtas para sa isyung politikal bagkus ay upang iligtas sila sa kanilang kalgayang spiritual.

Pagbabahagi pa nito na ang lahat ng nananampalataya ay naniniwala na mayroong diyos na buhay matapos mamatay at maresurek.