Dagupan City – Pinapalawig ang paglulunsad ng “Palengke QR Ph Plus” sa Alcala Public Market na naglalayong hikayatin ang mga tindero at mamimili na gumamit ng digital payment para sa mas mabilis at secure na transaksyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas mapapadali ang pagtanggap ng cashless payments para sa mga vendor, na nagbibigay daan sa mas maginhawa, ligtas, at episyenteng paraan ng pagbebenta at pagbili kung saan mababawasan ang abala sa paghawak ng cash at mapabilis ang serbisyo sa mga mamimili.

Ang inisyatibong ito ay kasabay rin ng layunin ng lokal na pamahalaan (LGU) na suportahan ang paglago ng mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa kanilang lugar.

--Ads--

Patuloy din ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan upang itaguyod ang modernong pamamaraan ng pagbabayad kung suportado sa pagsusulong ng digitalization at inclusive economic growth sa buong lalawigan.

Samantala, Layunin ng DTI na maging competitive ang mga MSME sa Pangasinan sa pamamagitan ng pag-adapt sa makabagong teknolohiya.