Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na huwag mag-panic buying dahil sa nararanasang krisis sa Gitnan Silangan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro , na mayroon sapat na suplay ng petrolyo lalo na ang mga pangunahing bilihin.

Normal lamang aniya na paghanda ng gobyerno ang anumang idudulot ng krisis sa Gitnang Silangan ay hindi nangangahulugan na mag-panic buying na lamang.

--Ads--

Tiniyak din sa kanila ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang anumang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Hinikayat niya ang publiko na isumbong sa mga otoridad ang sinumang negosyante na mananamantala sa nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.