Screenshot

Iginagalang ng Malacañang ang naging pasya ng House Committee on Justice na ideklarang may sapat sa porma o sufficient in form ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, bahagi ito ng proseso na dapat igalang.

Dagdag pa niya, kumpiyansa ang Pangulo na hindi magiging sapat sa substansiya ang mga reklamo.

--Ads--

Sinabi ni Castro na kumpiyansa ang Pangulo dahil wala itong ginawang paglabag sa batas o anumang impeachable offense.

Ibinunyag ni Castro, kung nababahala man anya ito ay hindi para sa kanyang sarili kundi sa epekto ng impeachment sa ekonomiya.

Tinawag namang irrelevant ng Palasyo ang pahayag ng Makabayan bloc na si Pang. Marcos bilang biggest fish sa organized plunder.

Ayon kay Castro, madaling magsalita sa harap ng media o ng camera pero ang mahirap ay ang patunayan ang mga bintang.