BOMBO DAGUPAN- Hindi man maganda ang pagsalubong ng panahon para sa mga delegado na lalahok sa Palarong Pambansa, naging mainit naman umano ang pagtanggap ng Host, Cebu City sa mga ito.

Sa panayam ng Bombo Radoy Dagupan kay Edilberto Abalos, Basketball Tournament Director ng Palarong Pambansa, nakatakdang magsimula ang registration ng mga technical officials ngayon araw na gaganapin sa Central Elementary School.

Magsisimula naman ang mismong palaro sa Hulyo 7 kung saan sisimulan ito sa isang refresher course na gaganapin sa University of San Carlos-Main. Ito ay upang talakayin ang official rules and regulations.

--Ads--

Sa susunod na araw naman, isasagawa ang solidary team meeting kung saan kinabibilangan naman ito ng mga team coaches at technical officials. Tatalakayin aniya dito ang tournament guidelines at ang schedule ng mga laro.

Nakatakda naman ang Opening Ceremonies sa Hulyo 9, inaasahang dadaluhan umano ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Vice President Sara Duterte.

Pagkatapos nito, sisimulan na ang advance game ng basketball, football, at softball dahil sa Hulyo 11 naman sisimulan ang simultaneous games.

Sinabi din ni Abalos, magtatapos ang mga torneyo sa Palarong Pambansa sa Hulyo 15, parehong araw na nakatakda ang championship games.

Opisyal naman magtatapos ang nasabing palaro sa Hulyo 16, kung kailan gaganapin naman ang closing ceremony.

Samantala, hindi pa man nakukumpleto ang mga delegado subalit inaasahan naman ang pagdating ng ilan sa mga ito ngayon araw.

Inaasahan din naman na sasabak muli sa pag-eensayo ngayon araw ang mga naunang dumating na mga atleta.