DAGUPAN, CITY— Mahalaga ang pakikinig sa talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) upang makita ng mga local government unit ang iba pa nilang programang maaaring maimplementa sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil at presidente ng League of Mayors sa lalawigan ng Pangasinan na isang magandang tradisyon ng pamahalaan ang pagsasagawa ng State of the Nation Address (SONA) taon taon hindi lamang upang maaccess ng mamamayan ang mga nagawa ng adminstrasyon sa kabuuan ng tao kundi magsisisilbi din itong “benchmark” ng tulad nilang mga LGU sa bansa.

Ito ay kaugnay ng pagpapasinaya ng ika-limang SONA ng presidente kung saan inaantabayan ng mga mamamayang Pilipino ang mga punto na bibitawan ng presidente sa kanyang talumpati.

--Ads--

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mayor Bataoil, aniya bago pa man siya naging alkalde ng naturang bayan, ay naging saksi na umano siya sa mga nakalipas na SONA ng mga nakaraang mga administrayon at maging kay Pangulong Duterte paglalahad nito na isa umano itong magandang tradisyon ng pamahalaan dahil naadopt din ng mga local government unit ang mga ipinapatupad na programa para mamahala sa kanilang nasasakupan.

Ayon pa kay Bataoil, lagi niya umanong inaantabayanan ang SONA sapagkat ibinabase niya ag kanyang pamamalakad sa mga iniimplementang mga prayoridad na batas o programa ng pambansang gobyerno na sumusugpo sa kriminalidad, maging ang kampanya laban sa droga at korupsyon, ang Buid Build Build program, at sa aspetong pangkabuhayan ng mga mahihirap na mga Pilipino.

Nabatid din niya na kailangan umanong maging “progressive at developmental” angnasabing kaganapan upang maging gabaypara sa lahat ng mga lider sa bansa at maging ng bawat mga mamamayan upang makita ang iba pang magagandang bagay na nagagawa ng pamahalaan.

Ang pagsasagawa ng taunang SONA ng mga presidente na nahahalal sa pwesto ay isang magandang paraan upang malaman ng tao ang mga iba’t ibang mga programa na kanilang naisakatuparan at kung ano pa ang mga iba pa nilang ipapatupad sa ilalim ng kaniyang nalalabing termino.

Dagdag pa ni Bataoil na ito umano ay isang mahalagang protocol ng gobyerno na dapat isagawa ng ating presidente na nakaugalian nang isagawa sa huling lunes ng buwan ng hulyo.