Humihiling ng pakikiisa sa publiko ang bagong talagang hepe ng Dagupan PNP upang makamit ng lungsod ang mapayapa at ligtas na pamayanan.

Ayon kay PLTCol. Vicente P. Castor Jr. ang siyang bagong hepe ng nasabing himpilan na magiging malaking hamon sa kaniyang pag-upo sa pwesto ang suporta mula sa komunidad na may malaking gampanin para masugpo ang iba’t ibang klase ng krimen sa siyudad ng Dagupan.

Aniya sa kaniyang naging pagsisilbi sa Mangaldan Police Station sa loob ng walong buwan at sa Urdaneta City Police Station sa loob ng isang taon at walong buwan ay naging epektibo ang liderato nito kung saan kaniyang tutukan ang commitment, harmonization, neigborhood, God-fearing, at enforcement of laws with compassion o tinatawag na “CHANGE” sa kanilang hanay.

--Ads--
TINIG NI PLTCol. VICENTE CASTOR JR.

Kabilang din aniya rito ang pagpapalakas sa koordinasyon sa bawat barangay upang maging kaagapay nila sa pag-iwas ng anumang krimen

Tiniyak din ni Castor na ang kanilang magiging paraan ay naaayon sa batas at hindi aabusuhin ang anumang paglabag sa karapatang pantao.

Dagdag pa nito isa sa kanilang mga programang tutukan ay ang laban kontra ilegal na droga sa lungsod.

Si Castor ay dati ring Deputy ng Regional Plans and Strategy Management Division si Lt.Col. Castor at kinilala bilang Regional Awardee for Best Police Commissioned Officer for Administration for the year 2022.

Pinalitan ng nito si PLTCol. Romil Avenido bilang hepe ng Dagupan PNP.

Matatandaang isinagawa ang turn over ceremnoy kahapon kung saan pinangunahan ito ni PCol. Richmond Tadina, na siyang Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang change of command sa Dagupan PNP.