“Crime Prevention is Everybody’s Business”

Ganito isinalarawan ni National Police Commission (Napolcom) Pangasinan Provincial Director Atty. Philip Raymund Rivera ang mahalagang papel ng publiko sa pagpigil at pag-iwas sa krimen sa pagbubukas ng National Crime Prevention Week nitong unang araw ng Setyembre.

Kamakailan pinangunahan ng Napolcom at ng kapulisan ang “Kick-Off” ng ika-31 National Crime Prevention Week, na dinaluhan ng mga tauhan ng Pangasinan Police Provincial Office.

--Ads--

Ayon kay Atty Rivera ang kanilang ahensya ang inatasan ng Presidente ng Pilipinas na manguna sa pagpapatupad ng National Crime Prevention Program, batay sa Presidential Proclamation No. 461 s. 1994.

Ipinaliwanag ni Rivera na ang kaganapan ay sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa, kasama ang iba’t ibang aktibidad at programa.

Sa tala ng Pangasinan, mayroong bahagyang pagbaba sa ilang mga kaso ng krimen at may mga isolated case lamang lalo na sa mga pagpatay ngunit ang pinakamataas pa rin aniya na kaso ang Vehicular Traffic Incident.

Samantala, maraming nakalatag na aktibidad para sa isang linggong pagdiriwang, tulad ng pagsasagawa ng training para sa mga Barangay Peacekeeping Action Teams sa Mapandan, crime prevention symposium sa Alaminos City.

Mayroon ding magaganap na Crime Prevention Summit sa pakikipagtulungan ng mga National Supporting Units na maituturing na pinakahighlight sa kaganapan na Iipunin nila ang 200 student leaders para sa face-to-face summit, habang 5 estudyante bawat munisipalidad ay lalahok upang matugunan ang isyu ng aksidente sa kalsada, kung saan maraming kabataan ang sangkot at matatalakay din ang iba pang usapan na maaring makatulong sa mga ito.

Panghuli naman ay magsasagawa sila ng outreach program sa Calasiao, kung saan 500 estudyante ang bibigyan ng tulong sa pakikipagtulungan ng mga NGO at PNP.

Ang National Crime Prevention Week ay ipinagdiriwang taun-taon upang itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga isyu ng krimen at hikayatin ang mga mamamayan na aktibong makilahok sa mga programa at aktibidad na naglalayong pigilan ang krimen.