DAGUPAN CITY- Nagniningning na ang Dagupan City sa pagbukas ng taunang pailaw, kung saan itinampok ang temang “Pamilya ang Puso ng Pasko.”

Dumagsa ang mga residente at bisita upang saksihan ang makulay na pailaw, simbolo ng pagkakaisa at pagmamahalan ng pamilya ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, ang pamilya ang kanilang prayoridad, kaya’t ito ang sentro ng kanilang pagdiriwang.

--Ads--

Bagama’t simple lamang ang pagdiriwang ngayong taon, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng P50,000 Noche Buena package para sa mga indigent families na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Bukod pa rito, iimbitahan ang 700 pamilya para sa isang buffet ng Noche Buena sa Disyembre 17, na gaganapin bilang Thanksgiving Day sa lungsod.

Nagpasalamat din si Mayor Fernandez sa national government sa kanilang suporta, na nagpaangat sa tagumpay ng kanilang relief operations.

Binigyang-diin din niya ang pakikilahok ng mga bata mula sa Barangay Malued at UDD sa mga programa, na nagdulot ng kagalakan sa mga pamilya gaya ng mga cartoon character na naging sentro sa aktibidad.

Sa huli, inaanyayahan ang lahat na bumisita at makiisa sa simpleng pailaw ng Dagupan City, na tiyak na magbibigay ng liwanag at saya sa bawat pamilya ngayong Pasko.

Sa kabilang banda, tiniyak ni PCol Orly Pagaduan na walang naitalang insidente sa pailaw dahil sa presensya ng kanilang mga tauhan at force multipliers, na nagtutok sa seguridad ng publiko.