Dagupan City – Hudyat na ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi ito dadalo sa ikatlong State of the Nation Address ng pangulo na humiwalay na ito sa partido.
Ayon kay Atty. Francis Dominick Abril, Legal/ Political consultant, maaring konektado ang pahayag at desisyon na ito ng bise sa nangyaring napaulat na issue tungkol kay dating speaker Harry Roque.
Ngunit paglilinaw ni Abril, isa ito sa magandang ipinapakita ng bise sa publiko, dahil nagiging tapat at vocal ito sa tunay na kinatatayuan ng Marcos at Duterte tandem.
Binigyang diin naman nito na maganda rin ang nagiging political strategy ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung saan ay nanatili itong walang komento at hindi binibigyang statement ang tunay na estado ng Uniteam.
Bagama’t matagal pa ang National Election, makikita na marami na ang naglalabasang black propagada, kung kaya’t nanawagan si Abril na nawa’y nagising na ang publiko sa kung sino nga ba ang dapat na iloklok sa pwesto.
Karamihan kasi aniya sa mga botante ngayon ay mga immature pa sa pagpili ng kandidato, at hindi bumabase sa konkretong plano, credentials, at mga political background.