DAGUPAN CITY- Maituturing na malisyoso ang pamamaraan ni Vice President Sara Duterte para ikumpara ang mararanasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyari kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kung saan pinaslang ito nang umuwi sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Carlos Conde, Senior Researcher ng Human Rights Watch, maaaring inuungkat ng bise presidente ang kasaysayan ng pamilyang Marcos at Aquino o di naman ay kinukuha nito ang panig ng nasabing pamilya.
Aniya, maaaring magamit niya ito bilang proteksyon sa kinakaharap niyang impeachment at sa political career niya.
Giit ni Conde na hindi na bago sa mga Duterte ang magpakalap ng misinformation para gamitin din ang galit ng mga tao.
Tila modus operandi na ito ng pamilyang Duterte para magkaroon sila ng depensa mula sa kanilang mga kinakaharap.