BOMBO DAGUPAN – Dapat imbestigahan si senador Imee Marcos ng Armed Forces of the Philippines at National Security Council.

Ito ang mariing sinabi ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst dahil sa pahayag na may 25 lugar sa bansa na posibleng target ng hypersonic missile ng China.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, iginiit niya na hindi lang ang impormasyon ang iimbestigahan kundi dapat ding imbestigahan si Marcos kung paano niya nalaman ang nasabing klaseng vital information.

--Ads--

Pinuna ni Yusingco ang paraan ng pagsasalita ni Marcos na mistulang kinatawan ng Beijing dahil may alam sa impormasyon gayung ang mismong gobyerno at intelligence services ay mahihirapang alamin ang nasabing impormasyon.

Dagdag pa niya na ang epekto ng pagpapakalat ng impormasyon sa isang casual at irregular na paraan ay siraan ang usapin sa West Philippinme Sea at guluhin ang lipunan. magresulta ng takot at panic ang mga tao.

Ang pakay nito ay siraan umano ang tiwala sa admnistrasyon at pagdudahan ang stratehiya ng administrasyong Marcos sa West Philippine sea.