BOMBO DAGUPAN – Isa sa mainit na usapin sa ngayon ang posibilidad na maharap sa kasong “obstruction of justice” si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa naging pahayag nito ukol kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Atty. Francis Dominick Abril- Legal/ Political Consultant na nakakagulo lamang sa imbestigasyon si Duterte at kung totoong kinokonsente niya ang pastor ay baka pumasok ito bilang obstruction of justice.
Samantala, aniya sa kampo ni Quiboloy na mangyaring makipagcooperate na lamang ang legal counsel nito dahil ang pagsurrender sa kinauukulan ay hindi naman nangangahulugang pag-amin sa mga kasong nakasampa laban sakanya kundi ito ay pagsunod lamang sa tamang proseso.
Kaugnay nito ay napakalaking tulong naman aniya ang reward system na pag-alok ng P10-milyon bilang pabuya upang mapabilis ang paghahanap sakanya.
Pagbabahagi pa nito na ginagawa ng law enforcement ang lahat ng kanilang makakaya siguro lamang aniya ay may privilige ang mga taong sangkot kaya mahirap hagilapin.