Dagupan City – Binweltahan ng isang Political Analyst ang naging pahayag ni 2nd District Rep. Joey Salceda patungkol sa naabot na raw ang kinakailangang bilang ng mga lagda upang payagan ang Charter change.

Ayon kay Atty. Francis Abril, baka nakakalimutan na ni Salceda na may nakasulat sa batas na hindi maaring mag-proposed ng revision ng overhauling ng consitituuion sa pamamagitan ng People’s initiative, lalo na kung gagalawin nito ang structure term ng public officers dahil malabong maging valid ito.

Aniya, maski ito ay personal na nagulat sa naging pahayag ni Salceda, kung saan ay proud pa itong ipinahayag na 12.1 porsyento na ang bilang ng mga lagda.

--Ads--

Nauna nang binigyang diin ni Abril na maraming mga indibidwal ang pinapapirma kapalit ng mga pangakong ayuda. Sa katunayan aniya, may mga lumapit na rin sa kaniya na isang indibidwal at sinabing may nagpapirma sa mga ito ngunit hindi naman sinabi kung para saan iyon bagkos ay sinabihan lamang ng makukuhang benipisyo.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang abogado kay Senate Majority Leader Joel Villanueva na sana’y pangalanan na lang ang mga nababanggit na mga involve sa nasabing panukala dahil baka maaring sangkot na rito ang public funds at iyon ang dapat na aksyunan.