Dagupan City – Maaring magdulot ng Armed Conflict.
Ito ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa umano’y inaprubahang bagong regulasyon ng China kung saan ay binigyan nito ng kapangyarihan ang Coast Guard na hulihin ang mga dayuhang tatawid sa “kanilang border” at ikulong ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis na inaasahang magiging epektibo sa hunyo 15, 2024.
Matatandaan na inilabas ng China ang bagong regulasyon kasabay ng isinagawang civilian mission ng Atin Ito Coalition sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Yusingco, kung mangyari ang panukala sa ating teritortyo ay malinaw na magiging paglabag ito sa international law conventions.
Kung saan ay maaaring sumangguni ang bansang Pilipinas sa United Nations, International Criminal Court (ICC), at International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).
Binigayng diin ni Yusingco na pwedeng maghain ang pamahalaan ng Criminal Investiastion sa kanila sa napaulat na wiretapping issue, dahil malinaw na isa itong krimen bagay na taliwas sa nirekomendang legislative investigastion.
Kaugnay nito, nanindigan si Yusingco na kinakaialngan ng maghanda ng pamahalaan partikular na ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy, dahil sa banta ng Armed Conflicts kung hindi maunawaan ng China ang patuloy na aksyon ng bansa na payapa at diplomatikong pamamaraan.