BOMBO DAGUPAN – “Paano mababawasan ang kahirapan sa bansa, kung napakababa naman ng pamatayan.”
Isa lamang yan sa naging kasagutan ni Sonny Africa Executive Director, Ibon Foundation kaugnay sa nakatakdang paglabas ng midterm reform ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Aniya na mainam na iwasto muna ang pamantayan upang maiwasto din ang mga tunay na pangangailangan dahil kung papanindigan lamang nila na babawasan ang kahirapan at hindi itatama ang mga dapat baguhin na patakaran ay walang magbabago.
Saad niya na ang pinakasusi para dito ay ang pagtanggap ng gobyerno na mayroon talagang problema sa sistema, kung aaminin nila na dumadami at lumalawak ang problema at tanggapin na hindi nagsisilbi sa interes ng taumbayan kundi ang kanilang pansarili.
Aniya ay maaaring magbunga ng maganda ang sinasabing reporma.
Isa din sa mga nakikita niyang susi sa problemang kinakaharap ng bansa ay ang pagpapalakas ng lokal na industriya at hindi importasyon.
Samantala, hiling din nito na mainam na dagdagan ang budget sa sektor ng edukasyon, agrikultura, pangkalusugan at maging dagdag na suporta sa ayuda.
Dapat ay iprayoridad ang pangangailangan ng mga mamamayan at matigil na ang matagal ng problema sa korapsyon sa bansa.