DAGUPAN CITY- Hindi na mawawakasan pa ang problema sa basura at patuloy lamang itong suliranin sa tuwing may bagyo kung hindi ito gagawing prayoridad ecowaste management sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tony Dizon, Campaigner ng Ban Toxic, mahalaga man ang flood mitigation projects subalit babalik at babalik pa rin ang baha kung hindi naman bibigyan pansin ang ugat ng problema.

Aniya, sa tuwing nagkakaroon lamang din ng kalamidad ito nabibigyan ng pansin kaya sa pagbubukas ng 20th Congress ay mahalaga itong mabigyan ng batas.

--Ads--

Hindi lamang nagmumula sa komunidad ang basura kundi marami pa ang pinagmumulan nito at kung saan-saan itinatapon.

Ayon kay Dizon, dapat magkaroon ng materials recovery facility upang mapigilan pa ang dami ng volume ng basura.

Hindi na rin kinakailangan ng maraming resources para maisakatuparan ito.