DAGUPAN, CITY – Mahalaga ang isang balanse at base sa makatutuhanang ebedensyasa pagtuturo sa mga naganap sa Martial law kasunod na rin ng ika-50 taon nitong anibersaryo sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay Prof. Mark Anthony Baliton, isang Political Analyst sa lalawigan ng Pangasinan, ang hakbanging ito ng mga kagaya niyang mga guro ay mainam na gawin upang mabigyan ng malayang pasya ang mga kabataan sa panig na nais nilang paniwalaan sa naturang mainit na usapin.

Aniya, sa pagtuturo nito, mahalaga umano na ito ay base mula sa best evidences o primary sources upang may basehan at hindi mula sa “tsismis” ang ilalatag na impormasyon sa isang mag-aaral.

--Ads--

May dalawang punto umano ang isang istorya kaya naman mahalaga na respetuhin ang opinyon ng bawa’t isa upang maiwasan na ang anumang hindi pagkakaintindihan ng mga Pilipino pagdating sa naturang usapin.

Sa tagal na rin umano ng naturang pangyayari mahalaga sa kasalukuyan na mag-move forward at higit na kailangan ngayon ang disiplina at pagmamahal sa bansa upang tuluyan na makamit ang progreso sa bansa.