DAGUPAN, CITY— Dapat matugunan ng pamahalaan ang tungkol sa pagresponde sa krisis hinggil sa coronavirus disease kaysa sa pagsusulong ng Anti Terror Bill.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sen. Risa Hontiveros, na nadismaya umano siya dahil sa hindi naman ito makakatulong sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas sa COVID-19 ang naturang panukala.

Aniya, imbes na maging prayoridad ang nasabing panukala ay dapat mas tutukan umano ng gobyerno ang paglalatag ng ibang mga batas dahil mas kailangan sa ngayon ng bansa gaya na lamang ng makakain, sa trabaho, at sa transportasyon para matugunan lahat ng pangangailangan ng mga mamayan na lubos na naapektuhan ng naturang sakit.

--Ads--

Nabatid pa ni Hontiveros na dapat maging prayoridad na ma-flatten ang curve ng kaso ng covid-19 at hindi ang pagsusulong bilang urgent ang Anti Terror Bill.

Dagdag pa niya, nakakabahala umano ang nasabing batas para sa demokrasya at karapatang pantao ng mamamayan na gusto lamang ipahayag ang kanilan hinaing sa kinauukulan.