Stress ka na ba? O di kaya’y nasasaktan sa nakaraang hindi mo na maibabalik pa? Baka naman patuloy ka pang nasasaktan sa taong hindi ka naman mamahalin pabalik?
Gusto mo bang maibsan ang sakit na iyong nararamdaman? Oras na para tumingin sa kalikasan.
Ayon sa bagong pag-aaral, makatutulong umano ang pagtingin sa kalikasan, kahit pa man litrato lamang ito, upang maibsan ang nararamdaman mong sakit.
Upang mapatunayan ito, sa isang pag-aaral, napag-alaman na madaling maka-recover ang mga pasyente sa ospital at hindi na gaano kinakailangan pa ng painkillers dahil sa palagiannilang pagtingin sa kalakisan sa labas ng kanilang bintana kaysa sa pagtingin lamang nila sa kisame o pader ng kanilang kwarto.
Gayunpaman, ayon kay Maximillian Steininger, isang neuroscientist sa University of Vienna, hindi pa malinaw ang rason sa nasabing epekto.
Kaya upang masuportahan pa ang pag-aaral, nakipagtulungan sila sa 49 volunteers upang i-record ang kanilang brain activity sa pamamagitan ng Funtional Magnetic Resonance Imaging (fRMI).
Nagpakita sila ng tatlong senaryo sa mga ito: Una ang lawa na napapalibutan ng mga puno habang hinihipan ito ng hangin, kung saan napapakinggan din nila ang tunog ng pagaspas ng mga dahon at ang tinig ng mga ibon.
Pangalawa, nakikita nila ang mga gusali, benches at daanan, habang rinig ang ingay ng syudad.
At ikatlo ang isang opisina at may tunog ng mga nagtatrabaho.
Lumabas sa kanilang pagsusuri na mas kaonti ang nararamdaman sakit ng mga tumingin sa natural landscapes.
Ayon sa mga mananaliksik, maaaring dahil ito sa kakayahan ng likas na kapaligiran na makuha ang atensyon ng mga tao, na iniuurong sila mula sa pakiramdam ng sakit.