DAGUPAN CITY- Matagumpay ang pagtatapos ng 45th founding anniversary ng Pangasinan State University sa bayan ng Lingayen kahapon.
Ayon kay Dr. Elber Galas, University President ng unibersidad, inilaan nila ang huling araw ng buwan ng Setyembre para sa culminating o awards convocations ng kanilang isang buwan na pagselebra ng anibersaryo.
Una na rito ang pinaka-inabangan na pagpaparangal para sa kanilang ginanap na iba’t ibang paligsahan kung saan kinabibilangan ito ng kanilang 9 na campus.
Ilan sa mga pinarangalan ay ang Alaminos City Campus na nagwagi sa Family Day Photo Contest. Champion ang Infanta campus para sa Family Feud at Laro ng Lahi. Pinagwagian naman ng Bayambang Campus ang mga academic competitions at overall champion sa PSU Got Talent.
Ginawaran naman ang ilan sa mga empleyado bilang service awardist, service retirees. Kabilang na dito ang mga award sa mga teaching and non-teaching staff at mga estudyante na nirepresenta ang kanilang campus.
Samantala, nasa ikatlong pwesto naman ang Lingayen at Asingan Campus para sa ASEAN Float Making Contest kung saan nakatanggap sila ng P20,000. Nasa ikalawang pwesto ang Binmaley Campus at nakatanggap sila ng P33,000. At nagkampyeon ang Bayambang Campus na nag-uwi ng P50,000.
Overall Champion naman ang Bayambang Campus sa kabuoang mga patimpalak
Ani Galas, bagaman ito ang kaniyang pinakanagustuhan sa kanilang selebrasyon, hindi niya inaasaahan ang pagdagsa ng mga dumalo.
Nagkaroon naman ng ilang adjustments sa iba nilang mga events dulot ng mga naranasang sama ng panahon subalit hindi aniya ito naging balakid para sa kanilang matagumpay na selebrasyon.