DAGUPAN CITY- Mahalaga ang papel ng mga punong katutubo bilang panangga ng kalikasan mula sa kalamidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Celso Salazar, Founder ng Pangasinan Native Trees Enthusiast Inc., isang ‘blessing in disguise’ ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo upang mas mabigyan halaga pa ang pagtatanim ng puno.
Aniya, nasa pag-aaral ng mga siyentipiko na ang reforestation ang ‘best solution’ bilang flood control o natural hazzard.
Ang nature-based solutions pagdating sa mga kalamidad ay ang pagtatanim ng mga punong katutubo dahil hindi tulad ng ilang puno ay malalim ang ugat nito.
Gayunpaman, sa tuwing nagkakaroon ng tree planting activities ang gobyerno ay napapabayaan din agad ang mga seedlings na itinanim.
May mga proyekto rin sa mga kabundukan ng Pangasinan na pinagpuputol ang mga puno, dahilan para makalbo ang mga ito.
Nananawagan naman si Salazar sa Local Government Units (LGUs) na magkaroon ng tree growing activities kung saan magtutuloy-tuloy ang commitment sa itinanim na puno.









