DAGUPAN CITY- Maaaring maapektuhan ng lubos hindi lamang ang mga guro kundi pati na rin ang mga mag-aaral sa binabalak ng mga opisyal na pagtatanggal at pagpapalit ng ilang mga asignatura sa Senior High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers Philippines, walang nangyaring democratic consultations a mga importanteng stakeholders ng nasbaing isyu tulad ng mga guro.

Aniya, nalukungkot din ang grupo dahil kailangan pang tanggalin ang nasabing asignatura para Global Competitiveness.

--Ads--

Dagdag niya, tila naging robot ang tuwing sa mga estudyante para lamang sa negosyo.

Samantala, nakikita ng grupo na malaking panganib ito hindi lamang para para sa mga guro ngunit para na rin sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

May mga grupo na rin na nais maghain n petitsyon ukol sa nasabing isyu.