Dagupan City – Nasasaksak ang isang 22-anyos na lalaki dahil sa pagtatalo na nauwi sa pananaksak sa bayan ng Sison

Ayon sa ulat, ang biktima ay isang helper at residente ng Sison, habang ang suspek ay isang 48-taong gulang na magsasaka, residente rin ng Sison.

Base sa imbestigasyon, sinaksak ng suspek ang biktima sa tiyan at likod gamit ang isang patalim matapos magkaroon ng pagtatalo dahil sa hindi pagkakaintindihan at lumang alitan.

--Ads--

Agad na dinala ang biktima sa Pozorrubio Community Hospital para sa medikal na atensyon.

Mabilis namang sumuko ang suspek sa isang Barangay Kagawad, na siya namang nag-turn over sa kanya sa mga rumespondeng tauhan ng Sison Municipal Police Station (MPS).

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sison MPS ang suspek para harapin ang kasong maaring isampa dito.