Dagupan City – Kinakailangang magtakda ng presyo sa merkado na susundan ng retailers.

Ito ang binigyang diin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) matapos umano ang implementasyon ng National Economic and

Development Authority (NEDA) sa pagbawas ng taripa sa imported na bigas.
Dahil aniya, bukod kasi sa nalugi na at nabawasan ng kita ng mga magsasaka, hindi rin naramdaman ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

--Ads--

Kung titignan kasi ani So, walang kinikilala ang mga retailers dahil likas na sa kanila ang maging negosyante kung kaya’t hindi rin tinatapyasan ng mga ito ang presyo ng mga bilihin sa merkado.

Dahil dito, isa ang mga mamimili sa pangunahing mga apektado nito at umiinda ng pagtatakda ng taripa.