DAGUPAN CITY- Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) na kontrahin ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng abugado ng mga biktima ng kampanya kontra droga nito noong siya pa ang nauupong pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Rubylin Litao, Coordinator ng Rise Up for Life and For Rights, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, isa itong magandang balita para sa mga pamilya ng mga biktima na matagal nang hinahangad ang hustisya.

Aniya, malaking bagay na sina Atty. Joey Butuyan at Atty. Gilbert Andres, kapwa ICC-accredited, bilang abogado ng mga biktima.

--Ads--

Samantala, giniit ni Litao na nararapat lamang na ipagpatuloy na ang ‘confirmation of charges’ ngayong ilang beses nang napagbigyan ang kampo ni Duterte at napag-alaman nang ‘fit to stand’ trial ito.

Binigyan halaga naman ni Litao ang pantay na prosesong isinasagawa ng ICC hinggil sa kaso at labis nila itong pinagkakatiwalaan.