DAGUPAN CITY- Kung ano pa ang sektor na may kinakaharap na krisis ay ito pa umano ang kakaltasan ng P16-billion budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers Philippines, marami ang kakulangan sa edukasyon ng bansa partikular na sa mga guro at kanilang sweldo, silid-aralan at ilang kagamitan na dapat matugunan para sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.

Aniya, hindi sang-ayon ang mga guro dito dahil sa mga nasabing backlogs at kanilang hinala na may kaugnayan ito sa pamomolitika at lalo na sa kurapsyon.

--Ads--

Hindi rin naman dapat may kinalaman pa ito sa dating kalihim ng edukasyon na sa Vice President Sara Duterte dahil parati naman mababa ang ibinibigay na pondo para sa kanilang sektor.

Taliwas din aniya ito sa sinasabing para sa “proper budgeting” dahil nakasaad sa konstitusyon na kabilang ang edukasyon sa dapat may mataas na budget.

At kung totoo man na seryoso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtulong sa edukasyon, dapat lamang na tumaas pa ang budget ng kanilang sektor na siyang nakabatay sa standard ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Samantala, magkakaroon sila ng mga online meetings para kondenahin ang pagtanggal sa malaking halaga ng budget at magsasagawa ng kilos protesta.

Ikinatuwa naman ni Quetua na sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kalihim ng edukasyon para ipanawagan ang kanilang inahing.