BOMBO DAGUPAN- Inalis na ang kontrobersyal na blockmesh sa harap ng isang convenient store sa Fujikawa City sa Yamanashi Prefecture, Japan dahil umano sa papaarating na bagyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, paghahanda ng mga otoridad ang inaasahang paglandfall ng Typhoon no.10 sa kalupaan ng Japan sa darating na linggo ang pagtanggal ng blockmesh.

Patungo aniya ang bagyo sa Southern Japan kung saan naganap ang malakas na paglindol noong nakaraang Agosot 8 at duon din ito inaasahang maglandfall.

--Ads--

Nararanasan na umano ang malalakas na pag-ulan partikular na ilang bahagi ng Japan kung saan may mga binahang subways, dulot ito ng pagsalubungan ng Easterlies at Southerly winds.

Wala pa naman inuulat kung kailan ibabalik ang pagharang sa maganddang viewpoint ng Mt. Fuji.

At sa kasalukuyan, wala pang lokal na nagrereklamo dahil sa nakaraang naging problema sa lugar.

Matatandaan na dinagsa ng mga turista ang naturang lugar dahil sa magandang spot para makuhanan ng litrato ang Mt. Fuji.

Dahil dito, nagdulot ito ng traffic, aksidente, pagtrespass, pagkakalat at pag iingay ng mga turista kaya napagdesisyunang harangan na lamang ito.

Nagresulta naman ito ng magandang resulta para sa pamumuhay ng mga lokal sa nakalipas na 2 buwan.

Subalit, mayroon pa rin na mga hindi sumusunod at binubutasan ang naturang harang upang makakuha pa din ng magandang litrato ng Mt. Fuji.