Dagupan City – Maaring maituring na isang hakbang tungo sa protkeyson ng bansang Pilipinas ang pagtanggal kay Vice president Sara Duterte at mga dating pangulo bilang miyembro ng panel sa National Security council o NSC.

Ayon kay Atty. Francis Dominic Abril – Legal/Political Consultant, isa sa nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa ng pabgulo ang hakbang ay dahil sa malaking posibilidad na may koenksyon ang iba sa mga ito sa China dala na rin ng mga napapaulat hinggil sa dating administrasyon.

Aniya, malaki rin ang posibilidad na naaring nawalan na rin ng tiwala ang si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa bise dahil sa mga nagdaang bangayan at isyu, dagdag pa ang ipinapakitang performance ni VP Sara.

--Ads--

Sa kasalukuyan, wala naman aniya itong nakikitang mga itinatagong hidden agenda, dahil maaaring isinasaalang-alang lamang ng pangulo ang seguridad at proteksyon ng bansa laban sa mga dayuhan.

Isa naman sa nakikita nitong posibilidad ngayong 2025 Election, malaki ang tiyansa aniya na mabaliktad ang bawa’t partido, kung saan ang dating magkakampi ay magiging magkaaway, at ang dating magkaaway naman ay magiging magkakampi.