Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng humigit-kumulang P0.30 kada litro, diesel ng humigit-kumulang P0.80 kada litro, at kerosene ng humigit-kumulang P0.80 kada litro.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

--Ads--

Noong Martes, Oktubre 21, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.10, habang ang sa diesel ay bumaba ng P0.70, at kerosene ng P0.60

Year-to-date, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P15.30 kada litro, diesel ng P17.15 kada litro, at kerosene ng P4.65 kada litro hanggang Oktubre 21, 2025.