DAGUPAN CITY- Hindi na mapipigilan pa ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Roland Simbulan, isang Geopolitical Analyst, maraming mga Arab Countries sa Middle East, kung saan dito kinukuha ang supply ng mga langis sa pandaigdigang merkado.
Aniya, isa ang Iran sa mga nagpoproduce ng langis, lalo na sa katabing dagat ng Iran.
Dahil sa nangyayaring sigalot ay siguradong malilimitahan ang supply ng langis, dahilan upang tumaas ang presyo nito sa World Market.
Apektado rin dito ang mga OFW na nagtatrabaho sa gitnang silangan.
Makapangyarihan din ang Iran kayat maranming excess capital at malaki rin ang inflluence sa ibang bansa.
May history din ang ganitong mga bansa pagdating sa mga giyera kayat hindi bago ito sa lahat.