BOMBO DAGUPAN- Maliit man pero di hamak na mas malaki ang matatanggap na medical allowance ng mga guro para sa taong 2025 kumpara sa P500 noong mga nagdaang taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition, sa ilalim ng Sec.22 ng probisyon ng Magna Carta for public school teachers, sinasagot ng gobyerno ang medical check up at hospitalization ng mga kaguruan sa pampublikong paaralan.
Aniya, sa pagkakataong ito ay tumaas sa P7,000 ang matatanggap ng mga guro para sa buong taon ng 2025.
Saad ni Basas, maliit man pero mas malaki naman ito sa P500 na natatanggap ng mga guro sa nakaraang mga taon. Maliban pa diyan, matatanggap ito ng mga government employees.
Ikinatuwa pa rin ito ng mga guro dahil nabibigyan pansin ng gobyerno ang kanilang kalusugan sapagkat malaki din ang epekto idinudulot sa edukasyon tuwing nagkakasakit ang isang guro.
Gayunpaman, hindi naman malilimutan na bago ang pandemic year noong 2020 ay walang natatanggap na ganitong benepisyo ang mga guro.
Kaya labis din ikinatuwa ni Basas ang pagtaas ng medical allowance ng mga public teachers at government employees ngunit, patuloy pa din aniya nila ipaglalaban ang pagtaas nito.