DAGUPAN CITY–Pinangangambahan ng Provincial Health Office na umakyat pa ang bilang ng mga PUM sa pangasinan dahil kasama na din dito ang direct contacts at second line ng mga PUI at positibong kaso ng covid19.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PHO provincia Health officer Dra. Ana Marie De Guzman, sinabi nito na napatunayan na nila ang local transmission sa namatay na doktor sa bayan ng Bayambang.

Sinabi pa niya na sa ginagawang contact tracing sa apat na mga nagpositibo sa covid 19 ay mayroon nang line list ang PHO dahil mula nang Pui pa lamang at wala pang resulta ang mga ito ay pinapaalam na sa city health officer at isinasagawa na ang paghahanap sa mga nakasalamuha ng pasyente.

--Ads--

Kapag sa mga Direct contacts naman ng pasyente ay may nakitaan ng sintomas tinuturing na patient under investigation ito ngunit ang mga walang sintomas ay automatikong pum o person under monitoring

Nagbigay obserbasyon din si Dra. Ana hinggil sa pinaiiral na enhanced community quarantine dahil bagamat nakikita nilang nakakatulong ito, may mga mga taong hindi sumusunod sa social distancing.

Pangasinan Provincia Health officer Dra. Ana Marie De Guzman

Aniya, tayo ay nakalagay na sa Extreme community quarantine dahil nakapagtala na ng apat na kaso ngconfirmed covid19 case kaya nananawagan ito na seryosohin ang home quarantine lalo na sa mga vulnerable group.