DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng kaonting pagtaas ng influenza-like illnesses sa rehiyon uno ngayong pagpasok ng malamig na panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region 1, nakakaapekto sa immune system ng isang indibidwal ang pagbaba o pagtaas ng temperatura.

Aniya, upang maiwasan ang ganitong mga sakit, makakatulong ang pagsuot ng facemask at pagpapanatili ng kalinisan sa katawan partikular na sa mga kamay.

--Ads--

Maliban pa riyan, nagbibigay din ng proteksyon ang pagbabakuna laban sa influenza.

Pinakabulnerable naman sa ganitong klase ng mga sakit ay ang mga matatanda kaya nagpababa na rin ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Units (LGU) para bakunahan ang mga matatanda.

Ito ay sa kadahilanang nagdudulot pa ng ibang sakit sa mga matatandaan sa tuwing tinatamaan ng sakit.