Pinag-iingat ng PAG-ASA DOST-Dagupan ang publiko dahil pumasok na ang mainit na panahon at naasahan na inaasahang tataas pa ang temperatura sa lalawigan sa mga susunod na mag buwan.

Ayon kay PAG-ASA DOST-Dagupan weather specialist Jose Estrada, nararamdaman na natin ang maalinsangang hangin.

Aniya, inaasahan naang pagsulpot ng ilang medical condition na dulot ng mataas na temperatura at heat index ng katawan gaya na lamang ng pagkakaroon ng heat cramps at heat exhaustion.

--Ads--

Posible itong mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang physical activity.

Ugaliing magdala ng pananggalang at uminom lagi ng tubig para maiwasan ang pagkakasakit.

Kakaunti na ang mga punot halaman na siyang mag absorbed sana ng init.

Kahapon, umabot ng 48°C ang naitalang heat index sa PAGASA Dagupan city.

Nasa 33°C naman ang naitalang maximum temperature at 80% Humidity.