DAGUPAN CITY- Malaki ang epekto ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga mangingisda at ekonomiya ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng PAMALAKAYA, binigyang-diin niya ang malaking epekto ng produksiyon ng petrolyo sa ekonomiya ng bansa, lalo na sa sektor ng pangingisda.
Aniya, ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay isang dagdag na pasanin para sa mga mangingisda.
Dahil dito, maaaring bumaba ang kita at mas lumala pa ang kanilang kabuhayan.
Dagdag niya, ang mga mangingisdang umaasa sa maliliit na bangka ay higit na naaapektuhan sa kada taas ng presyo ng langis.
Hiniling din ni Hicap ang mas konkretong suporta mula sa gobyerno upang mapagaan ang epekto ng mga pagtaas ng presyo at upang maging sustainable ang hanapbuhay sa sektor ng pangingisda.