Inihayag ng pamunuan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na tila mababa pa rin ang lokal na produksyon ng produktong bawang kung kaya’t asahan pa rin ang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Chairman ng SINAG na si Engr. Rosendo So, nasa 6-8 percent pa lamang ang lokal na produksyon nito at halos lahat ay nanggagaling pa sa Ilocos Norte.

Aniya kinakailangan umanong mag-import ng naturang produkto upang magkaroon ng pagbaba sa presyo nito sa merkado ngunit kung pag-uusapan naman ang kapakanan ng mga magsasaka, sila naman ang malulugi kung ang binhing itatanim ay galing sa importasyon.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nararanasan pa rin ang pag-usbong ng presyo nito dahil walang stocks ng native na bawang.

Ang mga imported garlic ay umaabot sa 80 hanggang 90 pesos kada kilo.

TINIG NI ENGR. ROSENDO SO