BOMBO DAGUPAN- Nakikitang muli ang pagtaas o pag-akyat ng African swine fever (ASF) sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ayon kay Francisco Tiu-Laurel Jr. Secretary, Department of Agriculture na puspusan na ang ginagawa nilang paghahanda upang hindi maulit ang serye ng asf outbreak sa isang lugar.

Kung saan sa kasalukuyan may nakikita na silang indikasyon sa bahagi ng bantangas at mindoro.

--Ads--

Gayunpaman, pinawi naman nito ang pangamba ng publiko dahil hanggat maaari ayaw nilang mag dulot ulit ito ng takot o alarma lalo na sa mga hog raisers.

Samantala, laking pasasalamat naman ng kanilang ahensya dahil sa ngayon, may panlaban na kontra naman sa naturang sakit sakali mang magkaroon ulit ng major outbreak.

Sa initial roll out ng asf vaccine, libre itong ipamimigay ng gobyerno at nag laan ang DA ng P350 million para dito.

First target naman nila ang mga kinokonsiderang read areas o kung saang lugar ang kritikal.

Inaasahan naman nila na sa darating na sa Agosto 15 ay makapag-procure na sila o hanggang buwan ng setyembre.