BOMBO DAGUPAN- Nananawagan si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee sa PhilHealth na itaas ng karagdagang 30% ang benepisyo ng mga miyembro nito.

Ayon sakaniya, dapat mapakinabangan ng sambayanan ang sobra-sobrang pondo na mula sa ahensya lalo na para sa mga benepisyaryo nito dahil hindi umano nararamdaman ang mga deductions ng ahensya sa kanilang pera.

Kaungay nito, Umaabot umano sa P466-billion ang pera ng PhilHealth na nakainvest sa iba’t ibang bangko at may karagdagan pang kabuoang kinita na P173-billion at taunang P100-billion subsidy.

--Ads--

Batay sa inihain ni Lee na House Resolution no. 1900, layunin nitong tukuyin kung paano mapataas ang ng ahensya ang kasalukuyang mga benepisyo.

Kabilang na dito ang pagpapabilang ng mga diagnostic tests at iba pang mga laboratory exams bilang mga out-patient services.

Dagdag pa ni Lee na hindi dapat kunin ang sobrang pondo mula sa mga social services o Health Services at ibawas na lamang sa ibang ahensya tulad ng Philippine Deposit Insurance Corporation at Philippine Amusement and Gaming Corporation.