Inaasahan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan ang maaaring pagtaas ng covid19 cases sa Disyembre hanggang Enero.
Ayon kay Mayor Brian Lim, ang alkalde ng lungsod ng Dagupan sa katunayan ay ngayon pa lamang nagkakaroon na ng onting pagtaas ng mga panibagong kaso ng covid19 hindi lamang sa lungsod kundi sa ibat ibang lugar na natural lamang umano dahil may mga kababayang uuwi at hindi maiiwasan ang pagselebra sa pamamagitan ng social events katulad ng kainan at inuman.
Sa kabila nito ay hinihikayat parin ang mga residente na kahit papalapit na ang pasko kung saan madalas maganap ang mga handaan ay kelangan parin ng disiplina lalo na sa pagsunod sa public health standards.
Kung hindi rin maiiwasan na magkaroon ng maliit na salo salo ay hinihikayat din na itake home nalang ang mga pagkain dahil delikado ang pagtatanggal facemask at matagal na pagsasalo salo.
Ayon pa sa alkalde kapansin pansin din na habang tumatagal ang pandemic ay bumababa ang disiplina ng mga mamamayan at nagiging kampante ang mga ito kayat dapat paulit ulit na ipaalala sa lahat ang mga minimum health standards.
Paliwanag rin nito na base sa pinakahuling datos ng covid19 ang kanilang pagdedesiyon sakanilang mga hakbangin.
Hindi lang kasi public health ang kanilang tinututukan dahil hindi pwedeng tanggalin nalang sa residente ang negosyo, kita at livelihood opportunities dahil wala silang makakain at maaari pang magdulot ito sa mga ilegal na gawain.