Mahigpit na ipinatutupad ng pamunuan ng pulisya sa Aguilar ang isang umiiral na ordinansa ng lalawigan na nag-aatas sa mga motorista na magsuot ng reflectorized vest tuwing gabi bilang bahagi ng pagpapalakas ng kampanya sa kaligtasan sa kalsada.

Ayon kay PMaj. Mark Ryan Taminaya, Chief of Police ng Aguilar, patuloy ang kanilang pagpapaalala sa lahat ng motorista na mula alas-sais ng gabi hanggang sa sumunod na umaga ay kinakailangang magsuot ng reflectorized vest.

Aniya, ito ay alinsunod sa provincial ordinance na layong mabawasan ang insidente ng aksidente, lalo na sa mga madidilim na bahagi ng lansangan.

--Ads--

Patuloy namang hinihikayat ng Aguilar Police ang publiko na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na regulasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, lalo na sa oras ng gabi kung kailan limitado ang liwanag at mas mataas ang posibilidad ng aksidente.